Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang Patotoo ni Jesus.
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
Habang
tayo ay dinaratnan ng mga kalamidad sumasaisip natin ang tanong:
Tayo ba ay nasumpa?
Ito ang
isa sa mga katanungan na sasagutin ni Maestro Eraño M. Evangelista sa aklat na
ito sa pamamagitan ng paghahayag niya ng Salita ng Dios sa Banal na Aklat.
Tuklasin
ang mga pahayag na nangyayari sa ating panahon! Ito ay hindi isang bagong relihiyon
o isang bagong simbahan.
Ito ay ang
tungkol sa Katotohanan sa Banal na aklat na hindi naihayag ng mga relihiyon sa
sangkatauhan.
“Katapusan ng Mundo,” isang katagang ginagamit ng mga relihiyon upang maghasik
ng takot sa mga tagasunod nito – upang pangalagaan at isulong ang kanilang lihim
na layunin. Nguni’t ano nga ba ang tunay na kahulugan ng “Katapusan ng Mundo?”
Ito ba ay ang pagkagunaw ng pisikal na kalagayan ng mundo? O ito ay ang
katapusan ng Kasamaang nangingibabaw sa mundo?
Mga bansa,
mga pandaigdigang ahensiya, atbp. ay nagsisulong upang ipalaganap ang Kapayapaan
at Kasaganaan sa lahat ng mga bansa, subali't napunta sa wala. Ang mundo ay nasa
karimlan nguni’t si Maestro Evangelista ay nagsasabi na huwag panghinaan ng loob
at huwag mawalan ng "pag-asa!" Ang Kaningningan ng Katotohanan tungkol sa Dios
ang magbabalik ng Liwanag!
Si
Maestro Evangelista ang magbubukas ng ating mga mata at magbabalik ng Karunungan
at Kaunawaan. Binigyan tayo ng Dios ng lahat ng ating kakailanganin; mga mata
upang makakita, mga tenga upang makarinig at katalinuhan upang tiyakin ang mga
bagay-bagay.
Nguni’t sa
lahat ng ito, papaano pa tayo nalilinlang ng MANDARAYA? Ito ba ay dahil hindi
sapat ang naibigay sa atin? O ito ay dahil sa bigo ang tao sa paggamit ng mga
ibinigay ng Dios? At upang lalo pang lumala ang kalagayan, kilala ba natin kung
sino ang Mandarayang ito?
Karunungan at
Kaunawaan
Gaano
kahalaga ang KARUNUNGAN at KAUNAWAAN ? Binigyan ng Dios ang tao ng katalinuhan,
ang kapangyarihan upang malaman ang tama at ang mali. Siya ay umaasa na ating
gagamitin ito upang hindi tayo madaya. Gaanong kabiguan sa Dios kung hindi natin
ito magawa! Tingnan natin sina Adan at Eva, ang dalawa na may katalinuhan, na
isang tanyag na halimbawa. Binigyan sila ng Dios ng isang utos na kainin ang
lahat ng mga prutas sa Halamanan ng Eden, liban sa isa! Sa kabila noon, hinayaan
nilang sila ay madaya ng Ahas na naging dahilan ng kanilang kaparusahan at
pagkakapalayas mula sa Eden, nguni’t nanatili ang Ahas.
Ahas,
Satanas… Ang gawain ng Mandaraya ay ang manlinlang ng tao. Ang Ahas ay hindi
kaaway ng Dios bagkus ito ay kasangkapan Niya upang subukin ang tao. Ang Dios
ang nagbigay ng mga utos upang sundin at kung ang tao ay hindi gagamitin ang
kanyang KARUNUNGAN at KAUNAWAAN at hahayaan niya ang kanyang sarili na malinlang
pa ni Satanas, siya ay mapaparusahan. Tuso talaga si Satanas. Siya ay
nanlilinlang gamit ang iba’t-ibang mga pamamaraan na nakakadaya sa tao!
Ang
Banal na Aklat ay naghayag ng mga katunayan at mga pangyayari kung papaano
nalilinlang ni Satanas ang tao. Nararapat lang na ang lahat ay kumuha ng
KARUNUNGAN at KAUNAWAAN upang maiwasan ang panlilinlang! Ito ang unang hakbang
tungo sa isang bago at dakilang panimula!
Ang Banal na Aklat
Ang
Banal na Aklat ang pinakamalawak na binabasang Aklat sa mundo. Nguni’t ang
nakaka-intrigang tanong ay: May tao bang makakaunawa ng nilalaman nito?
Ang
Banal na Aklat ay ang isang ganap na Aklat. Ganap dahil ito ay naghahayag ng
dalawang panig upang pagpilian ng tao – ang Pagpapala at ang Sumpa. Nguni’t
bakit ang mga relihiyon, kahit iisang Biblia ang ginagamit, ay patuloy na
nagtatalo-talo sa isa’t isa? May mali ba sa Aklat na ito o nararapat ba na
sabihin na ito ay ang bigong pagkakaunawa at pagkakaalam sa kung ano ang tama at
ang mali… katotohanan o kasinungalingan… pagpapala at sumpa?
Pag-isipan, bakit ang mga propeta sa Lumang Tipan ay iniligtas? Si Jonas mula sa
tiyan ng malaking isda at si Daniel mula sa yungib ng mga leon. Sa kabilang dako
naman, bakit ang mga nagsisunod kay Jesus sa Bagong Tipan ay nangalugmok sa
kapahamakan; binitay, sadyang pinatay, pinarusahan at ipinakain sa mga leon? Ito
ang ating tuklasin!
Si
Maestro Eraño M. Evangelista, ang taong sinugo ng Dios, siya ang magbubukas ng
Banal na Aklat upang liwanagin ang mga nilalaman nito. Buksan ang ating mga isip
at hayaang baguhin ng Katotohanan ang ating buhay. Palayain ang ating mga sarili
sa mga kasinungalingan ng mga relihiyon!
Ang Paghahangad ng
Kapayapaan
Sa mga
nagdaang siglo, ang pagkakamit ng Kapayapaan ang naging higit na masalimuot.
Kahit ang mga pagpupunyagi ng mga bansa sa United Nations ay napunta lamang sa
wala! Ano ang kadahilanan ng mga kaguluhang ito? May pag-asa pa ba ang
sangkatauhan? Ano ang kakailanganing gawin upang maibalik ang matahimik na
pamumuhay?
Hayaang
ipakita ni Maestro Eraño M. Evangelista ang daan!
Bumalik sa
Itaas.
Magpatuloy sa:
Ang Sumpa
ng Dios.
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|